Magandang Umaga! Wala na naman akong magawa. Habang nasa harap ng computer, katabi ang mainit na kape. Ilang araw na rin na ganito ako, bago pumasok nakaharap sa computer, tinitignan ang blogsite ko na wala namang sumusubaybay. Yung number one fan ko kase, minsan lang mag online. Pero hindi siya ang pag uusapan natin dito. Gusto ko lang uli magsulat. Ilang nang nangangati ang kamay ko. Pero anu nga ba ang sasabihin ko? Yung gusto ba nilang mabasa o yung gusto kong sabihin? Yung pangalawa muna siguro.
Ganito kase yun, apat kaming magkakapatid. Si ate 23, si Kuya 21 ako 18 at ang bunso ay 16. Si Papa nasa Saudi, sa pagkakaalam ko, 1995 pa siya nandun, 3 taon pa lang ako. Baby pa yung bunso namen. Tuwing limang taon lang siya umuuwi. 1997 noong lumipat kame sa Maynila, sa Caloocan. Doon na rin ako lumaki. (O may mare.react na naman diyan? Haha. ) Pero para sa akin, ang pinakamasyang pag uwi niya dito ay nitong December-February. Ito kase yung unang pagkakataon na buo ang aming pamliya noong Pasko at Bagong taon. Basta parang saya lang talaga! Sobra ko siyang na miss. Dumaan na kase yung ilan sa mga malalaking tagumpay ko sa sarili na siya ang higit kong pinag aalayan. Sa bawat contest na pinapanalo ko noon, declamation contest, Oration, Impromptu Speech, Essay Wriying pati Journalism Contest. Lahat na yata nasalihan ko at nananalo naman. Masaya kong ibinabalita sa kanya yon sa telepono. Ramdam ko rin naman yung saya niya, mas masaya nga lang kung may kasamang yakap niya. Marami siyang pangarap para sa amin. Siya yung taong mabait pero nakakatakot magalit. Alam namig magkakapatid yon. Kaya nga mabait kami pag umuuwi siya e. Hindi kame nag aaway. Hehe. Ang pinaka masayang naalala ko nung umuwi siya ay nong nagpunta kame sa Paranaque, sa mga kapatid niya. Halos buong araw kaming magkasama. Alam ko tatlong libong piso ang dala namen. Yung dalawang libo iniwan niya dun, tig isang libo yung dalawa niyang kapatid. Ganun talaga siya, pag may pera bigay lang ng bigay sabi ko nga parang Sta. Claus e. Pag uwi namin, nagutom kame kaya bumili ng mais at kinaen habang naglalakad. Dumaan kame sa tiangge sa Baclaran bumili ako ng pantalon. Maluluwag na kase yung mga gamit ko. Super skinny jeans daw yun sabe ni kuya. Low waist at 27 ang size. Binili namen, P300, tapos inaaya pa ako sa Jollibee kaso tumanggi ako, bukod sa may kinakain pa akong mais, nag aalangan din kase ako kung magkakasya pa yung pera namen sa mga gusto niyang bilhin. Hindi pala marunong mag baudget si Papa. Ang ending pag uwi namen sa bahay ay hindi na aabot pa sa P100 yung pera namen, nakakapagod pero masaya. Nag date kami ni Papa e. Pgdating sa bahay sinukat ko yung pantalon. Grabe skinny nga, konti na lang ang agwat sa leggings! Pero ginamit ko pa rin, kahit tipong sasabog na yung mga baby fats ko. Ang ganda kase tignan, sabe nga diba "tiis ganda" Haha.
Pero ngayon, hindi ko na nasusuot yung pantalong iyon. Hindi na kase talaga magkasya. Kahit ilang sgundo ko pang pigilin ang paghinga hindi pa rin uubra. Ngayon nakatago na yun sa cabinet. Ang sabi ko na lang papayat uli ako at masusuot yun. Gaya ng pangarap ko na dadating ang panahon na magkakasama muli akaming lahat, masaya at buo ang pamilya. Naiintindihan ko naman kung para saan yung ginagawa niya. Para sa amin, hindi kase siya nakatapos ng pag aaral. Lahat ng panagarap niya ay para sa amin na lanag. Ang sabi nga niya, pagkatapos naming lahat gusto niya umuwi sa probinsiya at doon na tumira. Pero may hinuhulugan kaming bahay sa Cavite. Isa isa nang natutupagd yung mga panagarap niya. Sana pag dumating yung araw na ako na ang nagtapos (mga kulang kulang dalawang taon pa ) ay nandoon siya. Nakangiti at siyempre ang walang kasing sarap na yakap ng aking papa.
Para ito sa lahat ng dakilang ama! Para kay Papa! Kahit hindi ka pa masyadong marunong mag facebook. Alam ko malapit kana makabili ng laptop para skype na lang tayo. :)
Ingat ka lagi diyan, miss na miss na miss ka na naming lahat. Hanggang sa pag uwi mo. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento