High school pa ako noon, 4th year high school. Malapit nang grumaduate. Ilang buwan na ring wala akong boyfriend. Naiinip ako. Parang gusto kong may ibang pagkaabalahan. Patapos na rin kase ang school year kaya wala na masyadong ginagawa.
Nakilala ko siya, kinikwento ng classmate ko. J****** daw ang pangalan, nangliligaw dati sa kanya. Uso pa friendster noon e. Inadd ko. Tapos nag post ako ng mga testimonial sa mga kaibigan pati sa kanya. Doon na nagsimula. Nag message siya sa akin. " Ang cute ko daw, pwede bang manligaw?" Nagulat ako. Na exciite. Sabi ko, ok lang. Nagkatxt kame. Pagkatapos ng mahigit na isang linggo, sinagot ko. Nung una, wala lang naman e, para may bago lang. Hanggang sa napamahal ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na yung unang trip trip lang ay mauuwi sa totohanan. Pagkalipas ng limang buwan, nalaman ng mga magulang ko. Pero ok lang naman da, basta wag pababayaan angpag aaral. Ayun, "legal" na kame.
Sumapit ang pasukan, college na kame. Sa PUP ako, STI Novaliches siya. Nung una, ok naman kame. Lumipas uli ang tatlong buwan, naging busy ako. Sa pag aaral pati na rin sa bagong mundo. Sumali ako sa isang org. Natuwa ako sa mga bago kong nalaman, bagong mundo na hindi ko siya naisabay. Naging busy din naman siya, sa ibang bagay. Ok naman sana kame e. Hanggang dumating yung 1st anniversary namen. Ilang linggo bago yun, excited ako. Siyempre first time kong magse celebrate ng ganun.
Hanggang isang araw, may okasyon nun. Sa bahay ng kaibigan niya. Bago kame magpunta dun ang sabi niya, may pupuntahan daw muna siya, mauna na ako. Tinanong ko kung saan, sa Baesa daw lamay ng tatay ng kaklase niya. Nauna ako. hinintay ko siya dun, ang tagal. Hanggang sa di ko na mapigilang mag isip. Instinct. Alam ko may hindi tama. Pagdating niya nagbubulungan silang magkakaibigan, at tuluyan na akong naghinala. Nakipaghiwalay siya, isang gabi bago kame mag anniversary. Shit! Ang sakit pala. Parang dinudurog ka. Unti unting gumuho yung mundo mo. Nakakabangon pa ako araw araw dahil sa mga taong naging kaagapay ko. Dumaan ang ilang linggo. Dahil sa isa akong dakilang tanga, nung nag sorry siya at hiniwalayan ang babae, tinanggap ko. Ilang buwan pa ang nakalipas nag away kame. Away bati. Parang switch, On-Off.
Hindi ko nga alam kung anong nangyari, hinayaan kong maging ganun yung takbo ng relasyon namen. Ilang buwan lang ok, tapos hindi na naman. Magulo pero masaya pa rin kahit papano. Umabot nga kame ng 41 months e. Hahaha.
Hanggang nitong baksyon. ilang linggo bago mag pasukan, hindi kame halos nagkikita. Dalawang beses isang linggo. AKo pa ang pupunta sa kanila. Ang husay hindi ba? Wala siyang cellphone pero may sim card, TM pa. Nalaman ko sa kapatid niya. Aba wlang balak sabihin sa akin. Kinukutuban na ako. May mali e, yun ang sabi ng isip ko. May babae ba siya? Anu na naman kaya ang ginagawa niyang kalokohan? Hindi na ako nag isip. Nag message ako sa kanya at nagpalit ng relationship status..
Two months ago, yung huling away namen. Hindi akse siya nagpupunta, inaway ko. Dinramahan. Ayun , napuno at nakipag hiwalay. Ang sabi ko, huli na lang. kung hindi pa mag work ako na ung unang bibitaw.
Naghiwalay na nga kame. Hindis siya sumagot, na guilty ako. Binuksan ko account niya nakita ko mga post niya, naghahanap siya ng katxt sa globe. Kinabukasan kasama ko si shen, binuksan uli namen ang account niya at doon nahuli ang iba pa niyang tinatago. Linggo ng umaga, nakausap ko ang isang kaibigan, kinumpirma niya may iba nga siya. Tumulo yung luha ko. All this time ako yung guilty kase humihingi pa siya ng chance yun pala. Hindi na dapat! Tang ina! Sumisigaw yung isip ko! Gusto ko siyang sigawan, sampalin at ipamukha sa kanya ang lahat.
Hanggang sa huli, hindi siya nagbago, nagawa niya pa rin akong lokohin. Natutunan ko, ang tiwala parang babasaging bagay, pag nalaglag mo, maaring pwede mo pang pakinabangan pansamantala. pero bibitawan mo rin dahil may lamat na pala. Nagawa ko man siyang patawarin nung una, pero naiwan yung sakit. Nadagdagan pa. Nagwawala yung luha sa mga mata ko. Gusto kong sumigaw..
Pero habang pinagdadadanan ko ito, may isang tao na talagang nasandalan ko, bukod sa mga kaibigan ko, siya yung taong handang saluhin ng lahat ng sakit. Maibsan lang yung lahat. Yung tao na kung pwede lang siya na lang yung makadama ng lahat ng sakit. Naasahan ko siya, pinasaya at tinutulungan akong bumangon.
Ang sabi ko nga, salamat sa mga ginawa niya sa akin. Dahil dun naisip ko na hindi lang siya yung lalaking kayang magmahal sa akin at kaya kong mahalin.
Siya ngayon yung bagong nagpapangiti sa puso ko.
Para sa yo to. :)
at para sa mga kaibigan kong tunay, alam niyo na kung sino kayo.
Salamat sa mag aabalang magbasa.