Sabado, Hulyo 16, 2011

Mabuhay ka!

"Ang kalagayan ng isang lipunan ay masasalamin sa kalagayan ng mga kababaihan. "


Madalas nating naririnig na iba na ang mga kababaihan ngayon, na sila ay malakas na at hindi na lamang basta naikukulong lamang sa bahay. Kaya niya na ring magtagumpay sa kanyang sariling pagsisikap. Sa isang banda ay sang ayon ako dito. Marami na rin namang babae sa kasaysayan na nagpatunay nito.Kung ating babaybayin ang kasaysayan sadyang napakalaki ng pinagkaiba ng mga kababaihan noon kaysa sa mga kababaihan ngayon.

Noon ay napakababa ng tingin nila sa atin. Tayo raw ay dapat nasa bahay lamang. Tagapag alaga ng anak, taga linis ng bahay at kasiping sa kama. Wala naman akong tutol o kahit ano pa man sa kanino  mang kapwa ko babae na ganyan ang buhay ngayon o kalagayan. Ang punto dito, hanggang doon na lang ba siya? Naging mabuti siyang ina at ulirang maybahay ngunit paano naman ang kanyang sarili? Ang kanyang personal na pag unlad. Madalas kase sa sobrang abala nila sa kanilang buhay pamilya ay hindi na nila napapansin ang mga ito.

Nakakasawa ang mga balita sa telebisyon at pahayagan. Pa ulit ulit. Karahasan at krimen. Nakakatakot at nakakaalarma, siyempre hindi ligtas doon ang mga babae. Halos araw araw may nababalitaan tayong babaeng ni reyp, bunugbog, hinipuan at kung minsan pa nga ay pinatay. Nakakalungkot at tila nagiging sanay na tayo dito. Nagiging normal na lang. Normal na lang na bugbugin ka ng asawa mo, normal na lang din na maglasing siya at mambabae. Iniisip ko nga pano kaya nila nagagawa sa atin yon? Wala ba silang ina o kapatid na babae? Hindi ba nila iniisip na ang ginagawa nila ay parang ginagawa na rin nila sa kanilang sariling ina? Simple lang, marahil ang isasagot ng ilan ay ang  linya ng character ni Christopher De Leon sa pelikulang Dekada '70: "It's a man's world." Ang aking eksaktong punto. Tayo ay lumaki sa lipunang dominado ng kalalakihan. Sila ang malakas, sila ang tama at sila ang masusunod. Isipin mo, kapag ang lalaki nangbabae at niloko ang asawa/kasintahan niya ang sasabihin nila, "lalaki kase" pero kung babae ang nanglalaki.sasabihin na malandi siya. Hindi ba? Sadyang hindi pa rin pantay ang pagtingin sa mga babae at lalaki. Hindi pa rin ganap na malaya ang mga kababaihan  gaya ng ating lipunan. Kontrolado pa rin ng iilan. Halimbawa na lamang ay ang pagtingin sa kagandahan (pisikal). Impokrito ang magsasabing naniniwala siya sa inner beauty. anu yun magandang lamang loob? Magandang ugali marahil. Ano ba ang depinisyon nila ng maganda, yung maputi, matangkad, sexy, matangos ang ilong atbp. Sila ang nagbibigay sa atin ng pamantayan ng kaganadahan. Bakit? Para sa komersiyo, magbebenta sila ng isang produkto, halimbawa ay facial wash. Pag ginamit mo ito ay puputi at magiging mala porselana ang iyong kutis. Iyon kase ang maganda. Kaya dapat ganon ka.

Patuloy tayong nabubuhay araw araw sa mga pangyayaring ito. Pero ang nais kong iparating ay simple lang. Ito ay hamon sa mga kababaihan, tandaan mo hindi ka basta babae lang! Babae ka! Kung ikaw ay wala hindi magpapatuloy ang salinlahi at wala tayong lahat. Babae ka! Mabuhay ka!


Pagpupugay sa mga kababaihang patuloy na lumalaban! Pagbati sa bawat dakilang ina, asawa anak sa bawat babaeng tulad ko.

Miyerkules, Hulyo 13, 2011

Kahit mais lang, ayos na!

Magandang Umaga! Wala na naman akong magawa. Habang nasa harap ng computer, katabi ang mainit na kape. Ilang araw na rin na ganito ako, bago pumasok nakaharap sa computer, tinitignan ang blogsite ko na wala namang sumusubaybay. Yung number one fan ko kase, minsan lang mag online. Pero hindi siya ang pag uusapan natin dito. Gusto ko lang uli magsulat. Ilang nang nangangati ang kamay ko. Pero anu nga ba ang sasabihin ko? Yung gusto ba nilang mabasa o yung gusto kong sabihin? Yung pangalawa muna siguro.

Ganito kase yun, apat kaming magkakapatid. Si ate 23, si Kuya 21 ako 18 at ang bunso ay 16. Si Papa nasa Saudi, sa pagkakaalam ko, 1995 pa siya nandun, 3 taon pa lang ako. Baby pa yung bunso namen. Tuwing limang taon lang siya umuuwi. 1997 noong lumipat kame sa Maynila, sa Caloocan. Doon na rin ako lumaki. (O may mare.react na naman diyan? Haha. ) Pero para sa akin, ang pinakamasyang pag uwi niya dito ay nitong December-February. Ito kase yung unang pagkakataon na buo ang aming pamliya noong Pasko at Bagong taon.  Basta parang  saya lang talaga! Sobra ko siyang na miss. Dumaan na kase yung ilan sa mga malalaking tagumpay ko sa sarili na siya ang higit kong pinag aalayan. Sa bawat contest na pinapanalo ko noon, declamation contest, Oration, Impromptu Speech, Essay Wriying pati Journalism Contest. Lahat na yata nasalihan ko at nananalo naman. Masaya kong ibinabalita sa kanya yon sa telepono. Ramdam ko rin naman yung saya niya, mas masaya nga lang kung may kasamang yakap niya. Marami siyang pangarap para sa amin. Siya yung taong mabait pero nakakatakot magalit. Alam namig magkakapatid yon. Kaya nga mabait kami pag umuuwi siya e. Hindi kame nag aaway. Hehe. Ang pinaka masayang naalala ko nung umuwi siya ay nong nagpunta kame sa Paranaque, sa mga kapatid niya. Halos buong araw kaming magkasama. Alam ko tatlong libong piso ang dala namen. Yung dalawang libo iniwan niya dun, tig isang libo yung dalawa niyang kapatid. Ganun talaga siya, pag may pera bigay lang ng bigay sabi ko nga parang Sta. Claus e. Pag uwi namin, nagutom kame kaya bumili ng mais at kinaen habang naglalakad. Dumaan kame sa tiangge sa Baclaran bumili ako ng pantalon.  Maluluwag na kase yung mga gamit ko. Super skinny jeans daw yun sabe ni kuya. Low waist at 27 ang size. Binili namen, P300, tapos inaaya pa ako sa Jollibee kaso tumanggi ako, bukod sa may kinakain pa akong mais, nag aalangan din kase ako kung magkakasya pa yung pera namen sa mga gusto niyang bilhin. Hindi pala marunong mag baudget si Papa. Ang ending pag uwi namen sa bahay ay hindi na aabot pa sa P100 yung pera namen, nakakapagod pero masaya. Nag date kami ni Papa e. Pgdating sa bahay sinukat ko yung pantalon. Grabe  skinny nga, konti na lang ang agwat sa leggings! Pero ginamit ko pa rin, kahit tipong sasabog na yung mga baby fats ko. Ang ganda kase tignan, sabe nga diba "tiis ganda" Haha.

Pero ngayon, hindi ko na nasusuot yung pantalong iyon. Hindi na kase talaga magkasya. Kahit ilang sgundo ko pang pigilin ang paghinga hindi pa rin uubra. Ngayon nakatago na yun sa cabinet. Ang sabi ko na lang papayat uli ako at masusuot yun. Gaya ng pangarap ko na dadating ang panahon na magkakasama muli akaming lahat, masaya at buo ang pamilya. Naiintindihan ko naman kung para saan yung ginagawa niya. Para sa amin, hindi kase siya nakatapos ng pag aaral. Lahat ng panagarap niya ay para sa amin na lanag. Ang sabi nga niya, pagkatapos naming lahat gusto niya umuwi sa probinsiya at doon na tumira. Pero may hinuhulugan kaming bahay sa Cavite. Isa isa nang natutupagd yung mga panagarap niya. Sana pag dumating yung araw na ako na ang nagtapos (mga kulang kulang dalawang taon pa ) ay nandoon siya. Nakangiti at siyempre ang walang kasing sarap na yakap ng aking papa.

Para ito sa lahat ng dakilang ama! Para kay Papa! Kahit hindi ka pa masyadong marunong mag facebook. Alam ko malapit kana makabili ng laptop para skype na lang tayo. :)


Ingat ka lagi diyan, miss na miss na miss ka na naming lahat. Hanggang sa pag uwi mo. :)

Martes, Hulyo 12, 2011

Para Sayo

Para Sayo



Gusto kong sumulat ng isang tula,
O kahit ng isang sanaysay,
Ibuhos ang mga nararamdaman
Na matagal ng kinikimkim ng kalooban
Ngunit tila may pumipigil sa akin, hindi ko alam.

Gusto kong sabihin ang mga hinanakit,
Isatitik ang sigaw ng kalungkutang gustong magpumiglas,
Umiiyak ang puso sa hapdi na 'yong dinulot
Sarado ang isipan, wasak ang kalooban!

Sa kabila ng lahat ng nadarama'y pilit lumalaban
Kalimutan ang pait ng mga alala,
Ilibing sa lupa at bigyan ng lapida
Pagkatapos ay huwag nang hukayin ng 'di na masaktan pa.

Linggo, Hulyo 10, 2011

And then I learned how to write a poem again

(This poem si supposedly my gift for our 41st month )

I never knew that life would be this happy,
Untill you showed me that it can be.

I never wanted to trust someone again
and then you showd me I still can.

Nobody ever told me I'm pretty
but you treated me like a queen.

When I suddenly forgot how to smile
You thought me how to do it again just for a while.

You shut up just to prevent a quarrel
You just smile even when i yell.

You made me realized that life is not a hell
but it can be heaven as well.

Beacause of you I learned how to write a poem again.

Salamat sa mag aabalang bumasa. :)

High school pa ako noon, 4th year high school. Malapit nang grumaduate. Ilang buwan na ring wala akong boyfriend. Naiinip ako. Parang gusto kong may ibang pagkaabalahan. Patapos na rin kase ang school year kaya wala na masyadong ginagawa.
Nakilala ko siya, kinikwento ng classmate ko. J****** daw ang pangalan, nangliligaw dati sa kanya. Uso pa friendster noon e. Inadd ko. Tapos nag post ako ng mga testimonial sa mga kaibigan pati sa kanya. Doon na nagsimula. Nag message siya sa akin. " Ang cute ko daw, pwede bang manligaw?" Nagulat ako. Na exciite. Sabi ko, ok lang. Nagkatxt kame. Pagkatapos ng mahigit na isang linggo, sinagot ko. Nung una, wala lang naman e, para may bago lang. Hanggang sa napamahal ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na yung unang trip trip lang ay mauuwi sa totohanan. Pagkalipas ng limang buwan, nalaman ng mga magulang ko. Pero ok lang naman da, basta wag pababayaan angpag aaral. Ayun, "legal" na kame.

Sumapit ang pasukan, college na kame. Sa PUP ako, STI Novaliches siya. Nung una, ok naman kame. Lumipas uli ang tatlong buwan, naging busy ako. Sa pag aaral pati na rin sa bagong mundo. Sumali ako sa isang org. Natuwa ako sa mga bago kong nalaman, bagong mundo na hindi ko siya naisabay. Naging busy din naman siya, sa ibang bagay. Ok naman sana kame e. Hanggang dumating yung 1st anniversary namen. Ilang linggo bago yun, excited ako. Siyempre first time kong magse celebrate ng ganun. 

Hanggang isang araw, may okasyon nun. Sa bahay ng kaibigan niya. Bago kame magpunta dun ang sabi niya, may pupuntahan daw muna siya, mauna na ako. Tinanong ko kung saan, sa Baesa daw lamay ng tatay ng kaklase niya. Nauna ako. hinintay ko siya dun, ang tagal. Hanggang sa di ko na mapigilang mag isip. Instinct. Alam ko may hindi tama. Pagdating niya nagbubulungan silang magkakaibigan, at tuluyan na akong naghinala. Nakipaghiwalay siya, isang gabi bago kame mag anniversary. Shit! Ang sakit pala. Parang dinudurog ka. Unti unting gumuho yung mundo mo. Nakakabangon pa ako araw araw dahil sa mga taong naging kaagapay ko. Dumaan ang ilang linggo. Dahil sa isa akong dakilang tanga, nung nag sorry siya at hiniwalayan ang babae, tinanggap ko. Ilang buwan pa ang nakalipas nag away kame. Away bati. Parang switch, On-Off.

Hindi ko nga alam kung anong nangyari, hinayaan kong maging ganun yung takbo ng relasyon namen. Ilang buwan lang ok, tapos hindi na naman. Magulo pero masaya pa rin kahit papano. Umabot nga kame ng 41 months e. Hahaha.

Hanggang nitong baksyon. ilang linggo bago mag pasukan, hindi kame halos nagkikita. Dalawang beses isang linggo. AKo pa ang pupunta sa kanila. Ang husay hindi ba? Wala siyang cellphone pero may sim card, TM pa. Nalaman ko sa kapatid niya. Aba wlang balak sabihin sa akin. Kinukutuban na ako. May mali e, yun ang sabi ng isip ko. May babae ba siya? Anu na naman kaya ang ginagawa niyang kalokohan? Hindi na ako nag isip. Nag message ako sa kanya at nagpalit ng relationship status..
Two months ago, yung huling away namen. Hindi akse siya nagpupunta, inaway ko. Dinramahan. Ayun , napuno at nakipag hiwalay. Ang sabi ko, huli na lang. kung hindi pa mag work ako na ung unang bibitaw.

Naghiwalay na nga kame. Hindis siya sumagot, na guilty ako. Binuksan ko account niya nakita ko mga post niya, naghahanap siya ng katxt sa globe.  Kinabukasan kasama ko si shen, binuksan uli namen ang account niya at doon nahuli ang iba pa niyang tinatago.  Linggo ng umaga, nakausap ko ang isang kaibigan, kinumpirma niya may iba nga siya. Tumulo yung luha ko. All this time ako yung guilty kase humihingi pa siya ng chance yun pala. Hindi na dapat! Tang ina! Sumisigaw yung isip ko! Gusto ko siyang sigawan, sampalin at ipamukha sa kanya ang lahat. 
Hanggang sa huli, hindi siya nagbago, nagawa niya pa rin akong lokohin.  Natutunan ko, ang tiwala parang babasaging bagay, pag nalaglag mo, maaring pwede mo pang pakinabangan pansamantala. pero bibitawan mo rin dahil may lamat na pala. Nagawa ko man siyang patawarin nung una, pero naiwan yung sakit. Nadagdagan pa. Nagwawala yung luha sa mga mata ko. Gusto kong sumigaw..

Pero habang pinagdadadanan ko ito, may isang tao na talagang nasandalan ko, bukod sa mga kaibigan ko, siya yung taong handang saluhin ng lahat ng sakit. Maibsan lang yung lahat. Yung tao na kung pwede lang siya na lang yung makadama ng lahat ng sakit. Naasahan ko siya, pinasaya at tinutulungan akong bumangon.

Ang sabi ko nga, salamat sa mga ginawa niya sa akin. Dahil dun naisip ko na hindi lang siya yung lalaking kayang magmahal sa akin at kaya kong mahalin.

Siya ngayon yung bagong nagpapangiti sa puso ko.



Para sa yo to. :)
at para sa mga kaibigan kong tunay, alam niyo na kung sino kayo.
Salamat sa mag aabalang magbasa.