Biyernes, Oktubre 7, 2011

Gitara


Isa sa mga pangarap ko ay maging bokalista ng isang banda.
Kahit na nga matuto lang tumugtog ng gitara.

Sinubukan ko minsan, kaya lang 'di umubra.
Sa huli, tinititigan na lang ang mga taong nagmamahal sa musika.

Hindi ko alam kung bakit kahit dati pa,
Para sa akin, kapag marunong ka mag giatara at sinabayan mo pa ng kanta,
Alam na! Pasok sa banga.
Pag strum pa lang , panis ka na!

Nagkasya na lang ako sa pagtitig sa kanila.
Umaasa pa rin na isang araw matututo na rin akong tumugtog ng gitara at maki jamming sa kanila.

Kaya ngayon, hanngang titig muna.
Malay natin isang araw,
Ikaw na ang maglalapat ng tono at musika
sa mga titik ng mga sinulat kong tula.

Huwebes, Agosto 25, 2011

Sa gitna ng maulap na kalangitan

Minsan talaga hinihiling ko na sana bulag na lang ako. Ayoko kasi makakita ng mga pulubi, ng mga badyaw, ng isang ina karga ang anak niya at nagkakalkal ng basura. Hindi ko na gustong makita kung paano nila suyurin ang mga basurahan makakuha lang ng pwede pang kainin. Laman tiyan ika nga.

Nakakalungkot isipin na habang hindi natin maubos ang pagkain sa mga plato, ang iba ay halos tumirik na ang mga mata sa gutom.

Kung tutuusin, isa lamang ang ang patuloy na paglobo ng populasyon sa ating mga problema pero hindi ito ang ugat. Kahirapan ang siyang dahilan. Kakulangan sa trabahong angkop sa kakayahan ng bawat isa. Kailangan ng Pambansang Industriyalisasyon. Palaguin ang mga likas na yaman ng bansa. Bigyang pansin ang Agrikultura, Edukasyon at iba pang Serbisyong panlipunan.

 Ang mga manggagawa na humihingi ng P125 na dagdag sahod ay sinasagot ng kontraktwalisasyon. Ito ang tugon ng mga empresa bilang sagot sa hiling ng mga manggagawa. Ginagawa nila ito upang maiwasan ang pagbuo ng mga unyon na siyang magpapamulat sa iba pang manggagawa sa kanilang mga lehitimong karapatan. Halimbawa ang nangyayari ngayon sa PAL. Ang isang empleyado na 2o taon ng nagtatrabaho ay inuutusan nang umalis kapalit ang separation pay at imbitasyon na mag apply ng trabaho sa ibang mga kompanya na nasa ilalim ng PAL. Ang problema, ay magiging probationary employee lamang sila. Walang kasiguraduhan kung pagkatapos ng kontrata ay magiging regular na empleyado sila. Nasasaalang alang ang pagkain ng kaniyang pamilya sa araw araw, ang mga gastusin at pang paaral sa kanyang mga anak. Tulad ng PAL, ito ay ginagawa na rin ng iba pang mga kompanya gaya ng ABS CBN, GMA at marami pang iba. Ito ay nakasunod sa disenyo ng pinangangalandakan ni Pnoy na Public Private Partnership (tatalakayin ko sa susunod na blog). Ayon sa kanya, bubuksan ang market ng bansa sa mas marami pang investors. 100% foreign ownership. Mas nakakalulang building. Lumiliit na sakop ng mga sakahan at baka mas maraming Call Center.

Ang mga magsasaka ay hindi makakain ng kanin samantalang sila ang nagtatanim ng palay.
Lumillit ang sukat ng mga lupang sakahan. Pilit na ginagawang subdibisyon o kung anu mang  gusali na mas makakatulong sa patuloy na pag unlad umano ng bansa.
Alalahanin natin na ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa. Mayaman tayo sa likas na yaman kaya ganun na lamang ang dahilan kung bakit noong unang panahon pa lamang, gumuhit na sa kasaysayan kung paano nagsabwatan at minsan pa nga ay nagpatayan ang mga mananakop makuha lamang ang Pilipinas.

Narito ang mga datos ng mga Likas na yaman ng Pilipnas:

Yamang Lupa
Ito ay tulad ng mga bundok, gubat, burol, talampas, malawak na kapatagan at lambak. Karamihan ng mga lupa sa pilipinas ay ginagamit sa agrikultura. Karaniwang itinatanim dito ay palay, mais, prutas, gulay, kape, at kakaw. Malaking bahagi ng ani sa mga lupain ang tinatawag na aning pangkomersyal tulad ng niyog, tubo, abaka, tabako, goma, kapok at iba pa.
Yamang gubat
Sa mga pinagkukunang yaman ng bansa…ang mga kagubatan ang may pinakamalaking sukat. Maraming nakukuhang tabla at langis, aromatiko mula sa mga punong diptercarp. Mga pula at puting lawan at tangili na itinuturing na pinakamahalagang supply ng tabla sa bansa. Makukuha rin sa mga troso, tabla, plywood, tropal o veneer at dagta at resin.
Yamang Tubig
Malawak ang karagatan ng Pilipinas na umaabot sa baybayin ng 17,640 kilometro at 266 milyong ektaryang coastal waters at 193.4 ng karagdagang bahagi na nagmumula sa karagatan. Tinatayang umaabot ng 18.46 milyong ektarya ang kabuuang lawak ng karagatan kabilang ang 338,393 ektarya ng latian at mga ilog imbakan na matatagpuan sa bansa.
Yamang Mineral
Isa sa mga pangunahing industriya na nagpapataas ng reserbang dolyar ng bansa ay ang ating mga mineral na yaman.
♣Metalikong Mineral- binubuo ng mga metalikong mineral tulad ng ginto, bakal, nickel, tanso, uranium, cadmium, chromite, manganese at zinc.
♣Di-Metalikong Mineral- binubuo naman ito ng mga merkuryo, flourine at iba pang di metalikong mineral
Yamang Tao
Ang dami ng tao sa isang bansa ay nagpapakita ng lawak ng potensyal na yamang tao.Ito ang mga taong nagtatrabaho sa isang bansa at may kakayahang magpaunlad sa layuning mapaunlad ang isang bansa. Tinatawag din silang likas dahil sila ang nangangasiwa ng mga ibang likas na yaman at utak sa interaksyon sa pamilihan. 

(source: http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_mga_likas_na_yaman_ng_Pilipinas)

Nakakatawang isipin na tayo ang nagturo sa Vietnam kung paano magtanim ng palay ngunit ngayon tayo ay nag aangkat na ng bigas mula sa kanila. Pinapalayas ang mga magsasaka at mga nakatira sa mga lupang agrikultural ngunit pagdating sa Maynila o sa iba pang lugar ay walang makain, walang hanap buhay. Tapos ay magtataka tayo kung bakit dumadami ang mga batang kalye, mga badyaw, taong grasa at iba pang klase ng tao na pakalat kalat sa kalsada. Minsan kinausap ko ang batang badyaw (mga tao na karamihan ay galing sa Mindano, umalis doon dahil sa kaguluhan at sinubukan ang buhay sa Maynila), ang tanong ko,  "San ka nanggaling?", sa Mindanao ang sagot niya. Nakakatakot na daw ang sitwasyon doon, puro barilan at putukan. Nadadamay pati ang mga inosenteng sibilyan na gusto ng katahimikan. Kaya napilitan silang umalis at humanap ng "mas payapang lugar" at napunta nga sila sa Maynila ngunit ang resulta ay naging badyaw sila. Gamit ang mga lumang lata ng gatas, lalagyan nila ng plastik na takip, tatalian ng goma at patutunugin gamit ang kamay, animo drums ang tinutugtog nila. Magaling at nakakaindak ang tunog ngunit hindi mo lang maiintindihan ang mga sinasabi nila. Gaya ng sa una ay hindi mo lubusang maiintindihan kung  bakit nila ginagawa yon.


Patuloy na humihingi ng dagdag na budget sa Edukasyon ang mga kabataan at maging sa iba pang serbisyong panlipunan gaya ng sektor ng kalusugan at pabahay. Nakakagalit isipin na habang hinihiling ito sa Pamahalaan ang sagot ay panandaliang solusyon pa rin. Hindi nito nabibigyan ng pangmatagalang solusyon ang problema. Walang mas malalim na suri kung ano ba talaga ang ugat ng kahirapan.

Marami ang nagsasabi na hindi daw tayo dapat laging umasa na lamang sa gobyerno. Sa isang banda ay tama naman ito. Minsan sa klase ay nagsalita ng propesor ko na hindi daw dapat kami magreklamo dahil gobyerno daw ang nagpapaaral sa amin. Nagpantig ang tenga ko dahil sa simula pa lamang ng klase ay  halos hamakin na niya ang pagkatao ng mga kasama ko sa organisasyon at sa Konseho.

Nagtaas ako ng kamay bilang hudyat na may gusto akong sabihin. "Sir, mawalang galang na po. Gusto kong ipaalala sa inyo na Hindi gobyerno ang nagpapaaral sa amin kundi ang mga mamamayan na nagbabayad ng buwis. Ang tungkulin ng gobyerno ay tiyakin na ang mga buwis ay babalik sa tao sa porma ng mga serbisyong panlipunan gaya ng Eduksayon, Kalusugan, Pabahay atbp.  Hindi po tama na sabihin ito. Samakatuwid ay tungkulin namin bilang mga iskolar ng bayan na kahit sa munting paraan ay maibalik sa kanila ito. Hinihiling namin ang mas mataas na badyet (sa Edukasyon) hindi lamang para sa mga PUPian kundi sa lahat ng mga kabataang nais makapag kolehiyo, sa bawat anak ng kawani ng Paaralan, sa anak ng mga manggagawa at magsasaka at sa mga susunod pang iskolar ng bayan. Para sa inyo rin, upang hindi na palaging delayed ang sweldo niyo, para tiyakin na mabibigyan niyo ng maayos na buhay ang pamilya niyo at higit sa lahat ay tiyakin na ang mga anak mo ay makakamit ang mura at dekalidad na edukasyon na isa sa mga basikong karapatan ng bawat Pilipino alinsunod na rin sa nakasulat sa ating Konstitusyon. "


At ako'y umupo. Napatitig siya. Sandaling nag isip at saka'y nag iba ang tono ng boses. Tinitigan niya ako ng halos limang segundo. Animoy kinakabisado ang pagmumukha ko, kinikilala kung sino ako at tila nagiisip na ng dahilan kung bakit ibabagsak niya ako o paano ako mawawala sa klase niya. Kinabahan ako pero hindi ko pinahalata. Pinaninindigan ko ang sinasabi ko. Alam ko na sa mga oras na iyon ako ang tama at mababakas mo sa mukha niya ang iba't ibang reaksiyon gaya ng pag iisip na sa isang banda ay pagsang ayon sa mga sinabi ko. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman niya. Sinabi niyang mag usap kami pagkatapos ng klase sumagot ako ng opo at saka ay magalang na nilisan ang klase niya. Bago umalis ay tinatapik ako ng ilang mga kaklase ko, ang mga lalaki na nakaintindi sa punto ko. Marami rin ang mga nang uusig na tingin ngunit hindi ko nalang pinansin. Taas noo akong naglakad at umalis sa silid.



Lunes, Agosto 1, 2011

Fairytales

( My second poem for you  )

When I was a child
I am fond of reading fairytales
I always imagine myself being a princess
Like Cinderella, Snow White and Sleeping Beauty.

When I grew up, I'm still waiting for my prince
I met this guy whom I thought will save me from life's misery
but I was wrong, he's not my guy nor my savior
Then I stopped dreaming.

Untill someone came, but I had doubts about him
One day I woke up missing his company
He treated me like a princess
Even in times that I stop believing in fairytales.

I don't want to assume or even expect for so much
All I know is we're happy and contented
Enjoying every moment of our lives.
And this is a never ending love story, a continuous fairytale.

Sabado, Hulyo 16, 2011

Mabuhay ka!

"Ang kalagayan ng isang lipunan ay masasalamin sa kalagayan ng mga kababaihan. "


Madalas nating naririnig na iba na ang mga kababaihan ngayon, na sila ay malakas na at hindi na lamang basta naikukulong lamang sa bahay. Kaya niya na ring magtagumpay sa kanyang sariling pagsisikap. Sa isang banda ay sang ayon ako dito. Marami na rin namang babae sa kasaysayan na nagpatunay nito.Kung ating babaybayin ang kasaysayan sadyang napakalaki ng pinagkaiba ng mga kababaihan noon kaysa sa mga kababaihan ngayon.

Noon ay napakababa ng tingin nila sa atin. Tayo raw ay dapat nasa bahay lamang. Tagapag alaga ng anak, taga linis ng bahay at kasiping sa kama. Wala naman akong tutol o kahit ano pa man sa kanino  mang kapwa ko babae na ganyan ang buhay ngayon o kalagayan. Ang punto dito, hanggang doon na lang ba siya? Naging mabuti siyang ina at ulirang maybahay ngunit paano naman ang kanyang sarili? Ang kanyang personal na pag unlad. Madalas kase sa sobrang abala nila sa kanilang buhay pamilya ay hindi na nila napapansin ang mga ito.

Nakakasawa ang mga balita sa telebisyon at pahayagan. Pa ulit ulit. Karahasan at krimen. Nakakatakot at nakakaalarma, siyempre hindi ligtas doon ang mga babae. Halos araw araw may nababalitaan tayong babaeng ni reyp, bunugbog, hinipuan at kung minsan pa nga ay pinatay. Nakakalungkot at tila nagiging sanay na tayo dito. Nagiging normal na lang. Normal na lang na bugbugin ka ng asawa mo, normal na lang din na maglasing siya at mambabae. Iniisip ko nga pano kaya nila nagagawa sa atin yon? Wala ba silang ina o kapatid na babae? Hindi ba nila iniisip na ang ginagawa nila ay parang ginagawa na rin nila sa kanilang sariling ina? Simple lang, marahil ang isasagot ng ilan ay ang  linya ng character ni Christopher De Leon sa pelikulang Dekada '70: "It's a man's world." Ang aking eksaktong punto. Tayo ay lumaki sa lipunang dominado ng kalalakihan. Sila ang malakas, sila ang tama at sila ang masusunod. Isipin mo, kapag ang lalaki nangbabae at niloko ang asawa/kasintahan niya ang sasabihin nila, "lalaki kase" pero kung babae ang nanglalaki.sasabihin na malandi siya. Hindi ba? Sadyang hindi pa rin pantay ang pagtingin sa mga babae at lalaki. Hindi pa rin ganap na malaya ang mga kababaihan  gaya ng ating lipunan. Kontrolado pa rin ng iilan. Halimbawa na lamang ay ang pagtingin sa kagandahan (pisikal). Impokrito ang magsasabing naniniwala siya sa inner beauty. anu yun magandang lamang loob? Magandang ugali marahil. Ano ba ang depinisyon nila ng maganda, yung maputi, matangkad, sexy, matangos ang ilong atbp. Sila ang nagbibigay sa atin ng pamantayan ng kaganadahan. Bakit? Para sa komersiyo, magbebenta sila ng isang produkto, halimbawa ay facial wash. Pag ginamit mo ito ay puputi at magiging mala porselana ang iyong kutis. Iyon kase ang maganda. Kaya dapat ganon ka.

Patuloy tayong nabubuhay araw araw sa mga pangyayaring ito. Pero ang nais kong iparating ay simple lang. Ito ay hamon sa mga kababaihan, tandaan mo hindi ka basta babae lang! Babae ka! Kung ikaw ay wala hindi magpapatuloy ang salinlahi at wala tayong lahat. Babae ka! Mabuhay ka!


Pagpupugay sa mga kababaihang patuloy na lumalaban! Pagbati sa bawat dakilang ina, asawa anak sa bawat babaeng tulad ko.

Miyerkules, Hulyo 13, 2011

Kahit mais lang, ayos na!

Magandang Umaga! Wala na naman akong magawa. Habang nasa harap ng computer, katabi ang mainit na kape. Ilang araw na rin na ganito ako, bago pumasok nakaharap sa computer, tinitignan ang blogsite ko na wala namang sumusubaybay. Yung number one fan ko kase, minsan lang mag online. Pero hindi siya ang pag uusapan natin dito. Gusto ko lang uli magsulat. Ilang nang nangangati ang kamay ko. Pero anu nga ba ang sasabihin ko? Yung gusto ba nilang mabasa o yung gusto kong sabihin? Yung pangalawa muna siguro.

Ganito kase yun, apat kaming magkakapatid. Si ate 23, si Kuya 21 ako 18 at ang bunso ay 16. Si Papa nasa Saudi, sa pagkakaalam ko, 1995 pa siya nandun, 3 taon pa lang ako. Baby pa yung bunso namen. Tuwing limang taon lang siya umuuwi. 1997 noong lumipat kame sa Maynila, sa Caloocan. Doon na rin ako lumaki. (O may mare.react na naman diyan? Haha. ) Pero para sa akin, ang pinakamasyang pag uwi niya dito ay nitong December-February. Ito kase yung unang pagkakataon na buo ang aming pamliya noong Pasko at Bagong taon.  Basta parang  saya lang talaga! Sobra ko siyang na miss. Dumaan na kase yung ilan sa mga malalaking tagumpay ko sa sarili na siya ang higit kong pinag aalayan. Sa bawat contest na pinapanalo ko noon, declamation contest, Oration, Impromptu Speech, Essay Wriying pati Journalism Contest. Lahat na yata nasalihan ko at nananalo naman. Masaya kong ibinabalita sa kanya yon sa telepono. Ramdam ko rin naman yung saya niya, mas masaya nga lang kung may kasamang yakap niya. Marami siyang pangarap para sa amin. Siya yung taong mabait pero nakakatakot magalit. Alam namig magkakapatid yon. Kaya nga mabait kami pag umuuwi siya e. Hindi kame nag aaway. Hehe. Ang pinaka masayang naalala ko nung umuwi siya ay nong nagpunta kame sa Paranaque, sa mga kapatid niya. Halos buong araw kaming magkasama. Alam ko tatlong libong piso ang dala namen. Yung dalawang libo iniwan niya dun, tig isang libo yung dalawa niyang kapatid. Ganun talaga siya, pag may pera bigay lang ng bigay sabi ko nga parang Sta. Claus e. Pag uwi namin, nagutom kame kaya bumili ng mais at kinaen habang naglalakad. Dumaan kame sa tiangge sa Baclaran bumili ako ng pantalon.  Maluluwag na kase yung mga gamit ko. Super skinny jeans daw yun sabe ni kuya. Low waist at 27 ang size. Binili namen, P300, tapos inaaya pa ako sa Jollibee kaso tumanggi ako, bukod sa may kinakain pa akong mais, nag aalangan din kase ako kung magkakasya pa yung pera namen sa mga gusto niyang bilhin. Hindi pala marunong mag baudget si Papa. Ang ending pag uwi namen sa bahay ay hindi na aabot pa sa P100 yung pera namen, nakakapagod pero masaya. Nag date kami ni Papa e. Pgdating sa bahay sinukat ko yung pantalon. Grabe  skinny nga, konti na lang ang agwat sa leggings! Pero ginamit ko pa rin, kahit tipong sasabog na yung mga baby fats ko. Ang ganda kase tignan, sabe nga diba "tiis ganda" Haha.

Pero ngayon, hindi ko na nasusuot yung pantalong iyon. Hindi na kase talaga magkasya. Kahit ilang sgundo ko pang pigilin ang paghinga hindi pa rin uubra. Ngayon nakatago na yun sa cabinet. Ang sabi ko na lang papayat uli ako at masusuot yun. Gaya ng pangarap ko na dadating ang panahon na magkakasama muli akaming lahat, masaya at buo ang pamilya. Naiintindihan ko naman kung para saan yung ginagawa niya. Para sa amin, hindi kase siya nakatapos ng pag aaral. Lahat ng panagarap niya ay para sa amin na lanag. Ang sabi nga niya, pagkatapos naming lahat gusto niya umuwi sa probinsiya at doon na tumira. Pero may hinuhulugan kaming bahay sa Cavite. Isa isa nang natutupagd yung mga panagarap niya. Sana pag dumating yung araw na ako na ang nagtapos (mga kulang kulang dalawang taon pa ) ay nandoon siya. Nakangiti at siyempre ang walang kasing sarap na yakap ng aking papa.

Para ito sa lahat ng dakilang ama! Para kay Papa! Kahit hindi ka pa masyadong marunong mag facebook. Alam ko malapit kana makabili ng laptop para skype na lang tayo. :)


Ingat ka lagi diyan, miss na miss na miss ka na naming lahat. Hanggang sa pag uwi mo. :)

Martes, Hulyo 12, 2011

Para Sayo

Para Sayo



Gusto kong sumulat ng isang tula,
O kahit ng isang sanaysay,
Ibuhos ang mga nararamdaman
Na matagal ng kinikimkim ng kalooban
Ngunit tila may pumipigil sa akin, hindi ko alam.

Gusto kong sabihin ang mga hinanakit,
Isatitik ang sigaw ng kalungkutang gustong magpumiglas,
Umiiyak ang puso sa hapdi na 'yong dinulot
Sarado ang isipan, wasak ang kalooban!

Sa kabila ng lahat ng nadarama'y pilit lumalaban
Kalimutan ang pait ng mga alala,
Ilibing sa lupa at bigyan ng lapida
Pagkatapos ay huwag nang hukayin ng 'di na masaktan pa.

Linggo, Hulyo 10, 2011

And then I learned how to write a poem again

(This poem si supposedly my gift for our 41st month )

I never knew that life would be this happy,
Untill you showed me that it can be.

I never wanted to trust someone again
and then you showd me I still can.

Nobody ever told me I'm pretty
but you treated me like a queen.

When I suddenly forgot how to smile
You thought me how to do it again just for a while.

You shut up just to prevent a quarrel
You just smile even when i yell.

You made me realized that life is not a hell
but it can be heaven as well.

Beacause of you I learned how to write a poem again.